Sam Milby

Sam Milby

Wednesday 14 August 2013

" ‘Huwag Ka Lang Mawawala,’ pinanghihinayangan "

Juday, Sam at KC, gagawa ng panibagong serye

INAMIN sa amin ni Deo Endrinal na hindi lang televiewers ang nanghihinayang kundi maging siya sa nalalapit na pagtatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala nina Judy Ann Santos, KC Concepcion at Sam Milby.

Bitin naman talaga, pero kailangan nang tapusin ito dahil na rin sa request ni Juday.

“Nasasayangan ako kina Sam at KC kasi ang galing nila,“ kuwento ng pinakamahusay at pinakaprofitable na business unit manager ng ABS-CBN. “Sabi ko nga, don’t worry, gagawa ulit kami ng shows for them, especially Sam, kasi ang laki ng improvement niya in terms of acting at `yung pagsasalita niya, so dapat may follow-up sila ni KC.“

Nagkausap na sina Deo at ang manager ni Sam na si Erickson Raymundo na may kasunod kaagad na project ang aktor.
Kaya tulad ni Juday, sa Dreamscape uli gagawa ng panibagong serye sina Sam at KC.
..


Read more:
http://www.balita.net.ph/2013/08/14/huwag-ka-lang-mawawala-pinanghihinayangan/?utm_source=twitterfeed&utm_medium=twitter#.UgtYKkmprFI 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...