Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 3 January 2012

Sam Milby, Heart Evangelista, magsasama sa pelikula


Posted by Online Balita on Jan 2nd, 2012

KUNG hindi nabago ang schedule ay ngayong araw ang first day of shooting ng indie film ni Sam Milby sa Reality Films ng grupo ni Erik Matti na ididirek naman ni Paul Soriano.

Makakasama ni Sam si Heart Evangelista at maganda ang role ng aktres. Ang kuwento ng pelikula, every four years lang sila nagkikita ng kanyang boyfriend (gagampanan ni Sam).

Komento nga namin, tila may hawig ang pelikula sa One Day nina Anne Hathaway at Jim Sturgess.

“Medyo lang,” sagot ni Erickson Raymundo, manager ni Sam. “Pero hindi ganu’n, malaki ang pagkakaiba.

“Gustung-gusto ni Sam ‘yung role kaya talagang hindi pinag-usapan ang talent fee, gusto niya na bago siya pumuntang New York by February ay may maiiwan siyang pelikula.”

May chemistry ba naman sina Sam at Heart?

“Sa look test, bagay sila, maganda ang team-up nila, madali lang naman ‘yung mag-bonding sila, magaling naman makisama si Sam,” sagot ng manager ni Sam.
Nalaman din namin na sa January 27 ay may back-to-back concert sina Sam at Toni Gonzaga sa Dubai at may isa pang raket ang aktor.

Pumayag din si Sam na mag-guest sa first concert ni Anne Curtis sa Araneta Coliseum sa Pebrero.

“Masyadong hectic nga, kasi darating lang si Sam dito sa Pilipinas para sa show ni Anne `tapos aalis din siya kaagad.“

Naikuwento rin sa amin ni Erickson na naghahanap ng apartment si Sam sa New York City, ang tutuluyan niya habang naroon siya para sa pangarap niyang mapenetrate ang Hollywood. ­Reggee Bonoan

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...