Gretchen Barretto excited to wear her latest fashion collection for new ABS-CBN teleserye
Thursday, May 19, 2011
05:27 PM
05:27 PM
Pagkatapos mamahinga sa telebsiyon for more than a half year, magbabalik-telebisyon si Gretchen Barretto sa pamamagitan ng isang bagong teleserye sa ABS-CBN ngayong taon.
Last Monday, May 16, ay pumirma ng kontrata si Gretchen sa ABS-CBN para sa soap operang sisimulan niyang gawin. Alta ang working title nito.
Huling napanood si Gretchen sa primetime series na Magkaribal, kasama sina Bea Alonzo at Derek Ramsay, last year.
"After a year, nandito na uli ako. Gretchen is back!" natatawang deklara ni Gretchen sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng contract signing.
"After Magkaribal, gagawa na uli ako ng teleserye and excited na ako.
"Six months na kaming lahat nagpe-prepare, six months na akong nag-iipon ng mga damit for this teleserye. I've been exercising.
"Magkaka-workshop na rin kami any time this week. Tuloy na tuloy na ang trabaho naming lahat.
"I don' know if I can say what the title is. Basta working title niya is Alta, pero hindi pa talaga yun ang title."
Dagdag pa niyang kuwento, "Marami kaming i-introduce na bagong fashion designers, not just from the Philippines but also from around the world.
"Whatever we wore, pati mga bags, lahat ng nakita ninyo sa Magkaribal, I swear hindi n'yo na makikita dito sa bagong teleserye.
"It's not a fashion teleserye, but it's about high society.
"Parang hanggang doon na lang ang puwede kong sabihin for now.
"Our theme song is also very nice."
POWERHOUSE CAST. Ang mga makakasama ni Gretchen sa bago niyang teleserye ay sina Angelica Panganiban, KC Concepcion, Zanjoe Marudo, Sam Milby, at Luis Manzano.
At kung dati ay si Derek Ramsay ang ni-request ni Gretchen na makasama niya saMagkaribal, now it's Ariel Rivera na gusto niyang gumanap bilang asawa niya.
"Hopefully... hindi ko alam kung makukuha namin si Ariel Rivera to play as my husband.
"Nung prinesent kasi sa akin yung story last week, nakita ko na kung mayroong bagay na gumanap as my mabait na husband, perfect si Ariel Rivera.
"It's true, yun ang hinihingi ko sa management—siya ang aking napupusuan.
"Sabi ng ABS, kapag may hinihingi ako, lagi nilang ibinibigay."
Sa kasalukuyan ay napapanood si Ariel sa early primetime series ng ABS-CBN naMula Sa Puso.
No comments:
Post a Comment