Sam Milby

Sam Milby

Thursday 5 May 2011

ASAP Rocks Ultimate Summer Heat


May 5, 2011 by cd

Makikipagsabayan ang ASAP ROCKS sa init na hatid ng tag-araw kasama ng mga pinaka-malalaking bituin ng kapamilya network.
Humanda na sa mga nag-aalab na concert performances mula sa mga premyadong ASAP Sessionistas, ASAP Champions, ASAP Acoustic Republic, Martin Nievera, Zsazsa Padilla, Sarah Geronimo at Gary Valenciano.

Abangan ang mga nagbabagang hatawan na hated ng pinaka-malupit na Supahdancers ng bansa — Supahdance Krew, Dance Quad, Bugoy Carino with the Supahkids, Shaina Magdayao, Maja Salvador at Billy Crawford.

Sisiklab ang inyong lingo kasama ang lahat ng pinaka-maiinit na Bida kapamilya stars na sina Kim Chiu, Anne Curtis, Bea Alonzo, Cristine Reyes, Jericho Rosales, Gerald Anderson, Enchong Dee, Luis Manzano,Sam Milby at Piolo Pascual.

SUPAHDANCE OFF FINALISTS KIKILALANIN NA!
Umpisa na nang pagbulusok ng pinaka-hataw na dance showdown sa balat ng telebisyon. Mula sa libu-libong nag-audition, napili na ang sampung maglalaban-laban sa ASAP dancefloor. Ngayong linggo, makikilala na natin bawat finalist at ang kanilang mga natatanging kuwento sa likod ng bawat sayaw.

Mula sa Luzon, magsasalpukan ang mga grupong Move Management ng Quezon City, Camper’s Champs ng Cavite City, sina Owa at Cleng ng Batangas at Kiss Dance Crew ng Mandaluyong. Hahataw naman ang mga pambato ng Visayas – ang HPV Dance Trio ng Iligan City, Simple Squad ng Cebu at ang mga soloistang sina Christian Moscoso ng Cebu City at Anna Mae Salazar ng Mandaue City.At mula sa Mindanao, bibida na ang dalawang pambato ng Davao – ang P.O.D. Dance Krew at ang soloistang si Jannike Calunsag.

Sino sa ating sampung ASAP Supahdance finalists ang magiging kauna-unahang ASAP Supahdancer. Abangan ang kanilang matinding sagupaan linggu-linggo sa ASAP ROCKS! 12:15 ng tanghali.

http://www.starmometer.com/2011/05/0...e-summer-heat/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...