Sam Milby

Sam Milby

Monday 9 May 2011

Anne Curtis still considers Sam Milby her "greatest love" despite having a new boyfriend, May 9, 2011

Monday, May 9, 2011
05:22 PM



Uploaded with ImageShack.us

"He [Sam] was the one na super all out ako. Pero siyempre, you know, at the end of the day, kung sino ang mapapangasawa ko, that's when I will give the title na 'my eternal love,'" explains Anne Curtis about Sam Milby being her "greatest love."

Noel Orsal

Isa si Anne Curtis sa female stars na masasabing "sensational" palagi ang lovelife. Hangga't maaari rin ay isini-share niya sa publiko kapag may lovelife siya, tulad ngayon sa kanyang current boyfriend na si Erwan Heussaff.

Pero ano nga ba ang meaning ng love para sa kanya?

"Love is when you go all out but you still leave a little something for yourself," sagot ni Anne sa presscon ng bagong niyang primetime series sa ABS-CBN naGreen Rose.

Ginanap ang presscon kaninang tanghali, February 9, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa loob ng ABS-CBN compound.

Aminado si Anne na kapag in love siya ay "all out" talaga siya.

"Oo, hanggang ngayon. Pero natuto ako to leave a little something for myself," sabi niya.

THE MEN IN HER LIFE. Nang tanungin kung sinu-sino ang naging boyfriends niya before Erwan ay hindi nag-atubiling banggitin ng aktres ang kanilang mga pangalan.

"Si Oyo [Sotto], and then si Richard [Gutierrez], si Paolo [Araneta], and then si Sam [Milby], and then pang-five ko na siya, Erwan."

Sa limang lalaking naugnay sa buhay niya, wala pa ba siyang masasabi na "eternal love" niya?

"Alam mo, lahat naman yun, ila-love mo at that time. Parang I was talking about it nga... Parang at one point in your life, you realize na when you read a letter or an old letter, you realize na, yes, you love the person and, at that time, you were so strong.

"But when you read the letter, parang there's nothing there anymore. But, nandoon pa rin ang appreciation of what you shared before. So, all out naman talaga ako when I love," saad ni Anne.

Okay ba siya sa lahat ng naging ex-boyfriends niya?

"Wala akong kaaway," nakangiting sagot ni Anne.

OYO'S WEDDING. Ano ang naramdaman niya nang ikasal ang first boyfriend niyang si Oyo kay Kristine Hermosa last month?

"Happy ako for him. Siyempre, happy rin ako for Tin," sambit ni Anne.

"I think marriage is always a beautiful thing, especially when you find the right person. So, happy ako for Oyo, happy ako for Tin na, finally, they are both settling down."

Sabi pa ni Anne, "Si Tita Dina [Bonnevie, Oyo's mother], kasama ko sa pelikula. Ikinukuwento niya sa akin lahat.

"Pati si Oyo, tinext ko siya noong birthday niya. Sabi ko, 'Happy birthday and congratulations, balita ko ikakasal ka na.'

"Tapos, sabi niya, 'I'm getting married today.'

"Sabi ko, 'Oh, my gosh, congratulations!' Sabi ko, happy ako for him."

Hindi raw siya invited sa kasal nina Oyo at Kristine, pero okay lang daw sa kanya ito.

http://www.pep.ph/features/couples/2...-new-boyfriend

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...