Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 22 November 2011

KC Concepcion hints on letting go | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features

KC Concepcion hints on letting go | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features

Sa magarbong tribute gala, namalas ang pambihirang likha ng kilalang fashion designer na si Pitoy Moreno.
Mula sa barong at Filipiniana, mamalas ang husay ni Pitoy na higit limang dekada nang tinataguyod ang Philippine fashion.

Rumampa ang mga taga-showbiz gaya nina Piolo Pascual, Sam Milby, Karylle at iba pa.

May special music performances naman sina Gary Valenciano at Rico Blanco habang rumarampa sina Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj at 2011 Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup.
Emosyonal naman si Pitoy sa tinanggap na pagpupugay.

“Siya talaga ang nag-hone sa akin bilang true Filipina model,” sabi ni Bianca Manalo.
“Naiyak nga ako doon sa very end when he took his walk sa runway. Naniniwala ako na nagsimula ito sa success niya,” sabi ni Karylle.

Usap-usapan naman ang sunud-sunod na pagkukrus ng landas nina Piolo at host ng gala na si KC Concepcion.
Iwas ang dalawa na sagutin nang diretso ang isyu ng hiwalayan pero malaman ang mensahe ni KC sa nakaraang “Cam Soar With Da Best” event ng Kapamilya stars.

“Just because you love someone, it doesn't mean there won't come a time when you have to let go for that person's happiness and maybe for your own. And also, to love also means sometimes, to let go,” sabi ni KC.
Pero may kinalaman kaya ito sa kanyang buhay-pagibig?

“I’ll just talk when I’m ready na lang po. Ayoko pong makasakit ng tao,” sabi ni KC.

Sa masalimuot niyang buhay pag-ibig, tinutuon muna ni KC ang atensyon sa misyon na labananan ang kagutuman bilang UN World Food Programme Ambassador. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...