Sam Milby

Sam Milby

Wednesday 23 November 2011

Auditions lang ang gagawin, Sam walang siguradong career sa Hollywood


SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated November 24, 2011 12:00 AM Comments (0) 


Ipinagtapat ng aktor na si Sam Milby na pupunta siya sa Amerika sa Pebrero sa susunod na taon. Mamamalagi ng tatlong buwan doon si Sam para sa subukan ang career sa Hollywood.

Nananalangin daw ang binata na sana ay magtagumpay siya roon. “It’s my first time, I haven’t been there yet but I’m having high hopes and you know, with the positive feedback from people that I already met, I’m being positive so sana naman it will go well,” pahayag ni Sam.

Nilinaw din ng actor-singer ang mga balitang kasama na siya sa cast ng ilang sikat na series sa Hollywood. “I know a lot of people are thinking din, Ay! Anong show mo? Kasali ka sa Vampire Diaries ganun-ganun. Hindi naman, ayoko namang isipin ng mga tao na may work na ako. Hindi nga eh, it’s just parang nakilala ko na ang cast and directors and ‘yun ang importante. Ang gagawin ko actually is auditions, ‘yun ang gagawin ko for the first three months, but there’s no guaranteed work,” paliwanag ng binata.

Hindi man siya sigurado ay pagbubutihin naman daw ni Sam ang lahat ng kanyang gagawin pagpunta sa US ay makamit ang kanyang pangarap na magkaroon ng proyekto sa Hollywood. “It’s a very good gamble and I feel positive about it. I’m really up to the challenge. Alam kong napakahirap talagang pumasok sa Hollywood but I’m excited. It is my dream and I believe that if I really work hard and I really push myself as much as I can, I think anybody, if he really puts his mind to it and really works hard for it, I think he can achieve anything. Suwerte ako dahil I feel inspired already,” dagdag pa ni Sam.

Samantala, hindi na makakasama si Sam sa bagong teleseryeng Alta katulad ng mga napabalita noon.

Napunta na kay Diether Ocampo ang role na dapat ay kay Sam sa nasabing serye.


read more news: 
http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...