Sam Milby

Sam Milby

Wednesday, 12 June 2013

Sam Milby denies being cause of delay in airing of Huwag Ka Lang Mawawala.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap si Sam Milby ng isang karakter na nananakit siya ng babae. At nagkataon pang si Judy Ann Santos ang kaeksena niya sa mga ito. Sabi ni Sam, "Parang nahihiya ako sa kanya [Juday] kasi minsan pag nadala ako sa eksena, ang hirap para sa akin na ingatan yung paghawak ko na parang malambot lang pero mukhang madiin. Hindi, e, malakas [mahigpit] talaga yung hawak ko. And she lets me [do it]. So, pagkatapos ng eksena, parang nakukonsensiya na ako. ‘Okay ba kayo? Sorry ha.’ Nahihiya ako sa kanya."
 
Malaki ang pasasalamat ni Sam Milby dahil isa siya sa mga personal choice ni Judy Ann Santos para makasama nito sa pagbababalik-teleserye ng aktres sa pamamagitan ng Huwag Ka Lang Mawawala, na mapapanood na sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa Hunyo 17.
Sabi ni Sam, “I want to thank Juday not only yung personal choice niya kami ni KC [Concepcion], but also yung high praises niya sa akin.
"I’m really honored to hear yung mga puri niya sa akin. So, I just wanna thank Juday.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sam sa presscon na inihanda ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television para sa kanilang dalawa ni KC kagabi, Hunyo 11, sa 14thfloor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.

DARK CHARACTER. Gagampanan ni Sam sa serye ang karakter ni Eros Diomedes, isang anak-mayaman na lumaking mainitin ang ulo at may sama ng loob sa kanyang dominanteng pamilya. Dahil sa isang utos ng kanyang ama, makikilala at iibig si Eros sa mag-aasin na si Anessa, na gagampanan naman ni Juday.

First time daw gumanap ni Sam ng isang “dark character” na kung ilarawan niya nga ay “lalaking may topak.”

“Ito po ang pinaka-challenging role na ginawa ko. Siyempre yung mga ginawa kong roles dati, yung mga totoong leading men, yung pang-kilig, romantic, di ba?

"Dito makikita naman sa trailer na hindi yun ang role ko rito, pero hindi siya yung kontrabida role din, e.

"He’s a bida-kontrabida na malalaman n’yo sa first week pa lang kung bakit ganun siya.

“Eto yung first time na pinaka-intense na role na ginawa ko, medyo violent yung character ko.

"First time na hindi ako yung tipong good guy, grey character siya. I mean, makikita naman na may topak siya.

"Pero yun nga, may dahilan kung bakit kaya imbes na magalit yung mga tao sa character ko, sana din maawa din sila at sa first week maging kilig din sila.”

Bilang lalaking may topak, darating daw sa puntong bubugbugin niya si Juday dito. Gaano kahirap ito para sa kanya?

Sabi ni Sam, “Ito rin yung first time na may role na may ginagawa akong bugbog sa babae. First time ko sa mga eksenang ganun.

"So, parang nahihiya ako sa kanya [Juday] kasi minsan pag nadala ako sa eksena, ang hirap para sa akin na ingatan yung paghawak ko na parang malambot lang pero mukhang madiin.

"Hindi, e, malakas [mahigpit] talaga yung hawak ko. And she lets me [do it].

Please, continue reading here: 
 

 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...