Sam Milby

Sam Milby

Thursday 22 September 2011

Anne admits going after a man



HINDI pa nararanasan ni Derek Ramsay ang malagay sa sitwasyong ginagampanan niya sa Star Cinema movie na No Other Woman — ang magkaroon ng mistress na ginagampanan naman ni Anne Curtis.

"No! But I can't promise you that it will never happen. That's one of the things you'll learn in this movie.

“I think we're all created to love. Ah, 'yun nga, in this movie, it exists  na I thought I've found the perfect partner.

“And then suddenly, someone comes into my life. I find myself having more love to give! Sana hindi mangyari sa akin ito! Hahaha!" sey ni Derek sa role niya.

Pero sina Anne at Cristine, willing bang maghabol sa lalaki kapag nagtaksil sa kanila?

"Ah, kung willing akong maghabol? Yes! Oo! Kung... I think kasi ’pag nai-in-love ka, mababaliw ka talaga. You go through... naku, naku, naku, naku! Hahaha!

“I think kasi mababaliw ka talaga na wala ka nang pakialam kung ano ang sasabihin ng mga tao. Hindi mo iisipin ang consequences para sa mahal mo.

“Eh, ganoon ako, so, oo! Gagawin ko 'yon para sa taong mahal ko," deklara ni Anne.

Nagawa na ba niya 'yon?

"Oo!" sey niya.

Kay Sam Milby ba 'yon?

"Secret! Hahaha!" iwas niyang sagot.

"Ako, kung ano... hahabol ako sa lalaki? Tingin ko, sa akin, ayokong gawin 'yon na maghabol ako. Kasi ayokong ipilit 'yung sarili ko sa taong ayaw sa akin.      

“Kasi parang tatapakan ko na ang sarili ko. Parang hindi ko na mahal. Marami namang iba riyan. Ang ganda-ganda ko naman," diin naman ni Cristine.

So, hindi totoo 'yung naghabol siya dati kay Dennis (Trillo)?

"Ah, hindi. 'Yun lang ang alam ninyo," saad niya.

Pero may nangyari na ba na sila ang inagawan ng lalaki? How was the experience?

"Masakit! Siyempre, natural... you get to the point na hindi mo na kilala 'yung sarili mo. So, oo, napagdaanan, ’di ba?

“I think it's all part of growing up as well. Kasi from these experiences, you learn how to be mature and how to handle relationships even more. Matututo kang hindi na maghabol. Matututo kang dumedma na. So, yes, masakit siya!" pahayag ni Anne.

Eh, si Cristine?

"Ah, opo, matagal na 'yon! Masakit, oo!" maiksing sagot ni Cristine.

Read more
http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/13801-anne-admits-going-after-a-man

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...