Sam Milby

Sam Milby

Wednesday 31 August 2011

KC is Piolo’s date in Star Magic Ball | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features

KC is Piolo’s date in Star Magic Ball | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features
credits to owner


Sa biro malimit idaan ni Angelica Panganiban ang isyung ibinabato sa kanya.
Ito raw ang dahilan kaya't bagyo man ang intriga ay blooming si Angel.


Ayon kay Angel, kumalma na rin daw ang unos sa love life nila ni Derek Ramsay.
Isa sa pinakamatindi ang isyung kasal na si Derek sa isang modelo.


“Mas peaceful, mas bawas stress. Masarap kasi kumonti ang mga taong kumokontra sa amin,” sabi ni Angelica.
Isa sina Angelica at Derek sa showbiz couples na inaasahang dadalo sa Star Magic Ball sa Sabado.



Ang ibang Star Magic artists gaya nina Maja Salvador, Empress Schuck, Erich Gonzales at Sam Milby, nag-fit na ng kanilang isusuot.


Mala prinsesa naman ang disenyo ng gown ni Kim Chiu na gawa ni Francis Libiran.


“Sobrang excited na ako para sa ball. Kung sa school may JS prom, parang ito na ang prom ng mga artista,” sabi ni Kim.
Pero sino kaya ang date ng bida ng "My Binondo Girl"?
“Hindi ko pa nga alam eh. Wala pa,” sagot ni Kim.


Magka-date naman sa ball sina Jake Cuenca at Lovi Poe na nagkasama sa pelikulang “My Neighbor’s Wife.”


Kinumpirma naman ni KC Concepcion sa “The Buzz” na sila pa rin ang magka-date ng boyfriend niyang si Piolo Pascual sa Star Magic Ball, may pinagdadaanan man ang relasyon nila ngayon.


Please, watch the video here:


http://www.abs-cbnnews.com/video/entertainment/08/29/11/kc-piolo%E2%80%99s-date-star-magic-ball


Pictures of the Star Magic Ball 2010







credits to owners

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...