Anne Curtis still considers Sam Milby her "greatest love" despite having a new boyfriend
PEP - Thursday, February 10
Noel Orsal
Isa si Anne Curtis sa female stars na masasabing "sensational" palagi ang lovelife. Hangga't maaari rin ay isini-share niya sa publiko kapag may lovelife siya, tulad ngayon sa kanyang current boyfriend na si Erwan Heussaff.
Pero ano nga ba ang meaning ng love para sa kanya?
"Love is when you go all out but you still leave a little something for yourself," sagot ni Anne sa presscon ng bagong niyang primetime series sa ABS-CBN na Green Rose.
Ginanap ang presscon kaninang tanghali, February 9, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa loob ng ABS-CBN compound.
Aminado si Anne na kapag in love siya ay "all out" talaga siya.
"Oo, hanggang ngayon. Pero natuto ako to leave a little something for myself," sabi niya.
THE MEN IN HER LIFE. Nang tanungin kung sinu-sino ang naging boyfriends niya before Erwan ay hindi nag-atubiling banggitin ng aktres ang kanilang mga pangalan.
"Si Oyo [Sotto], and then si Richard [Gutierrez], si Paolo [Araneta], and then si Sam [Milby], and then pang-five ko na siya, Erwan."
Sa limang lalaking naugnay sa buhay niya, wala pa ba siyang masasabi na "eternal love" niya?
"Alam mo, lahat naman yun, ila-love mo at that time. Parang I was talking about it nga... Parang at one point in your life, you realize na when you read a letter or an old letter, you realize na, yes, you love the person and, at that time, you were so strong.
"But when you read the letter, parang there's nothing there anymore. But, nandoon pa rin ang appreciation of what you shared before. So, all out naman talaga ako when I love," saad ni Anne.
Okay ba siya sa lahat ng naging ex-boyfriends niya?
"Wala akong kaaway," nakangiting sagot ni Anne.
OYO'S WEDDING. Ano ang naramdaman niya nang ikasal ang first boyfriend niyang si Oyo kay Kristine Hermosa last month?
"Happy ako for him. Siyempre, happy rin ako for Tin," sambit ni Anne.
"I think marriage is always a beautiful thing, especially when you find the right person. So, happy ako for Oyo, happy ako for Tin na, finally, they are both settling down."
Sabi pa ni Anne, "Si Tita Dina [Bonnevie, Oyo's mother], kasama ko sa pelikula. Ikinukuwento niya sa akin lahat.
"Pati si Oyo, tinext ko siya noong birthday niya. Sabi ko, 'Happy birthday and congratulations, balita ko ikakasal ka na.'
"Tapos, sabi niya, 'I'm getting married today.'
"Sabi ko, 'Oh, my gosh, congratulations!' Sabi ko, happy ako for him."
Hindi raw siya invited sa kasal nina Oyo at Kristine, pero okay lang daw sa kanya ito.
"Hindi ako na-offend kasi hindi ko naman sila nakakasama. I mean, mao-offend ako kung ka-chika ko sila, pero hindi ako invited. But since hindi ko naman sila kausap every day or even every week, hindi."
ON SETTLING DOWN. Nang ikinasal ba si Oyo, wala ba sa kanya 'yong feeling na sana siya rin or kailan kaya siya ikakasal?
"Hindi... Alam mo, even yung mga unang batch ng kaibigan ko—si Chesca [Garcia], si Danica [Sotto], ako at saka si Liz [Uy]—hindi pa. Pero we still have our other batch of friends na kaedad ko nga, na parang iba rin ang mindset ng mga babae ngayon. They are more career-oriented. So, parang iba ang priorities ngayon. Hindi ko alam kung bakit.
"Noong tinatanong ko si Tita Dina, Mama ko, ang babata nila noong ikinasal at nagkaanak. Although it was my dream before na 25, di ba, gusto ko na sanang mag-asawa, mag-baby na?
"Now that I'm turning 26 on the 17th, parang yung priorities changed.
"Hindi ako nagmamadali. Pero hindi ko rin naman ide-deny ang chance kung darating yun sa akin.
"Kasi, I'm 26 na rin naman. Ayoko rin naman na 32 na ako, wala pa rin akong baby. Parang gusto ko rin naman..."
Nakikita ba niya na mangyayari ito sa present boyfriend niyang si Erwan Heussaff?
"Ayoko nang mag-expect dahil nag-expect ako dati, pero hindi nangyari, di ba?" sabi ni Anne.
"Masakit kapag hindi natutuloy and as I've said kanina, ayoko na ng expectations or anything. Kasi kapag hindi nangyayari, masakit.
"E, di ba dati, may mga pangalan na ako ng magiging anak ko? So, hindi, 'wag na lang."
Pero natutunan daw niya sa Church nila na dapat ay hindi pinag-uusapan ang tungkol sa kasal o anak kung wala pa ito.
"E, kasi nga, it leads to...Parang they are not pointing at you and telling you na bad, but it's also to help you na parang you should save it for the right relationship, and it's actually happening to you. Para, di ba, nandoon lang sa 'yo yung element instead na nakapangalan na?"
GREATEST LOVE. Ayon kay Anne, si Oyo Sotto ang itinuturing niyang "first love," Si Richard Gutierrez naman ang "young love" niya. At si Sam Milby ang kanyang "greatest love."
Paliwanag ni Anne, "He [Sam] was the one na super all out ako. Pero siyempre, you know, at the end of the day, kung sino ang mapapangasawa ko, that's when I will give the title na 'my eternal love.'"
Hindi kaya magselos si Erwan na si Sam pa rin ang tinuturing niyang greatest love?
"No, no, no... I think when you have the greatest love, the love will always remain, but you're not in love with the person," sabi ng young actress.
No comments:
Post a Comment