Sam Milby

Sam Milby

Friday, 3 January 2014

Kimmy Dora Director Chris Martinez on Sam Milby: "Credible siya as an action star."

Bago pa mag-awarding ay naipaliwanag na ni Chris Martinez, ang direktor ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, na walang pressure mula sa producer nitong mag-top ang pelikula sa Metro Manila Film Festival box-office.

"Wala, wala. I don't think Spring Films naman operates that way, e. Ano, sila, ang cool-cool nila," sagot ng direktor nang tanungin ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagkakasali ng pelikula sa MMFF 2013.

Ang Spring Films ang producer ng Kimmy Dora trilogy.

“Wala silang ganung mga objectives,” pahayag pa ni Direk Chris tungkol sa hangaring tumabo nang husto ang pelikula sa takilya.

Nakausap si Direk Chris ng PEP noong December 23, bago mag-special screening ang Kiyemeng Prequel sa Glorietta, Makati City,

Ang bida ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel na si Eugene Domingo ang itinanghal na Female Star of the Night sa awards ceremony ng Metro Manila Film Festival 2013, na ginanap kagabi, December 27, sa Meralco Theater.

Patuloy ni Direk Chris, “For example, young first film. Gusto lang talaga nilang i-launch as a solo star si Uge [nickname of Eugene Domingo].

“‘Tapos, yung second one naman, gusto nilang gumawa ng part two.

“Yung third naman, kasi gusto nilang sumali sa MMFF.

"Ganun lang yung mga desisyon nila, ganun sila ka-cool."

ACTION FILM. Kinuwento ng award-winning director ang ilan sa mga pinagdaanan nila para mabuo ang huling pelikula sa Kimmy Dora trilogy.

Sabi ni Direk Chris, action movie raw ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel kaya't may ilang adjustments na ginawa ang cast.

Hindi raw kasi marunong makipagbakbakan si Uge kaya't kinailangan niyang mag-training para sa pelikula.

Ani Direk Chris, gusto raw nilang walang daya ang mga action scenes sa pelikula.

"Si Uge, she really trained. Nag-train siya ng muay thai, capoeira.

"Bakbakan yung pinagawa sa kanya.

"Medyo may pagkaseryosong aksyon."

May eksena pa nga raw na tatlong araw nilang nai-shoot.

"Pero there are scenes talaga that we had to shoot for, like, three days non-stop.

"Kasi napaka-detailed ng action."

SAM'S A REVELATION. Nagulat naman si Direk Chris dahil competent daw sa action si Sam Milby, ang leading man ni Uge sa pelikula.

Kuwento niya, "Napaka-flexible pala niya. Mataas ang sipa niya.

"Ang galing niyang gumawa ng mga fights, mag-execute nag mga moves.

"Credible siya as an action star!

“Sabi ko nga, 'Uy, Sam, are you the Keanu Reeves of the Philippines?'”

Sagot daw ni Sam sa kanya, “No, I'm the Jason Bourne of the Philippines.”..


Read more:
http://www.pep.ph/news/41757/kimmy-dora-director-chris-martinez-on-sam-milby-credible-siya-as-an-action-star/1/3#focus

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...