Sam Milby

Sam Milby

Friday 7 December 2012

"Sam, bakit nga ba loveless?
Posted by Online Balita on Dec 5th, 2012 

Ni Reggee Bonoan
PARANG napi-pressure si Sam Milby sa tuwing iniinterbyu at tinatanong tungkol sa lovelife. Pakiramdam niya ay binabantayan kung sino ang lucky girl.Mahigit dalawang taon na kasing walang girlfriend ang singer/actor gayong ang guwapu-guwapo niya–inside and out, mabait, at financially stable pa. Sabi nga ni Kris Aquino nang mag-guest siya sa KrisTV kasama ang ate niya ay napakasuwerte ng babaing mamahalin ni Sam. Naniniwala rin ang Queen of All Media na maraming girls ang may gusto sa binata.

Pero sa totoo lang, wala talagang girlfriend si Sam.
“Parang big deal masyado na wala akong girlfriend? Darating din`yun. I just don’t know when, hindi naman ako choosy, pero wala pa talaga.“
“Yung mundo ko siyempre nasa showbiz lang, wala akong nakikilalang ibang tao kasi tapings, shows. Pagdating ko naman ng bahay, matutulog na ako or play with my niece, so walang time talaga to meet someone outside showbiz talaga,“ paliwanag ni Sam.
Kaya ba more than two years na siyang loveless dahil hinihintay pa rin niya ang kanyang ex na si Anne Curtis na may boyfriend na ngayon?
“Hindi naman, matagal na `yun, tapos na. I mean I’ve already moved on, ha-ha-ha! Dapat ba may girlfriend para masabing I’m okay?“ natawang sagot ng binata.
Samantala, abot-tenga ang ngiti ni Sam nang manalo siya sa 25th Awit Awards ng Best Ballad para sa awiting Hindi Kita Iiwan (Star Records).
“This is actually my first Awit Award, so big thing for me. Thank you so much to Awit Awards, to PARI, to Star Records, and Jonathan Manalo, my producer -he’s also the one who wrote the song so big thing ito. Thank you for giving me the song,“ masayang sabi ng binata. B i g thing sa kanya ang Awit Awards dahil na-recognize na siya bilang singer, karamihan kasi ay mas kinikilala siya bilang aktor.
“The fact that I get a music award, lalo na sa Awit Awards, is a big plus. Kumbaga, `yung Gra
mmys is the biggest award-giving body for music, most prestigious; here in the Philippines, it’s Awit.“..."

Read more:
http://www.balita.net.ph/2012/12/sam-bakit-nga-ba-loveless/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...