Sam Milby

Sam Milby

Sunday 16 December 2012

'2012 ASAP That's Christmas' battle, on this Sunday!


by ABS-CBN Corp. Comm. | December 15, 2012

Umaatikabong bakbakan ng at pasiklaban ng galing at talento ang ihahatid ng “ASAP 2012” ngayong Linggo (Disyembre 16) sa ultimate showdown ng mga naglalakihang Kapamilya stars sa pinakainaabangan at taunang ‘2012 ASAP That’s Christmas.’

Abangan ang iba’t ibang sorpresang ipapasabog ng team ‘Hataw-1’ ng international Pinoy RnB sensation na si Billy Crawford at ng kanyang mga miyembro na sina Gerald Anderson, Bamboo, Jessy Mendiola, Kathryn Bernardo, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, Denise Laurel, John Prats, Rayver Cruz, Jovit Baldivino, Richard Poon, Kean Cipriano, Bugoy Cariño, Joj & Jai, at Piolo Pascual. 

Hindi naman magpahuhuli ang team ‘2Nay na Pasko’ nina Karylle at Jericho Rosales kasama ang kanilang group members na sina Cristine Reyes, Erik Santos, Yeng Constantino, Aiza Seguerra, Xian Lim, JM de Guzman, Khalil Ramos, Robi Domingo, Princess, Zia Quizon, Megan Young, Gab Valenciano, Anja Aguilar, at ZsaZsa Padilla. 

Huwag ding palampasin ang bonggang treat ng ‘Christmas 3’T’ group na pangungunahan nina Enchong Dee at Nikki Gil kasama ang kanilang teammates na sina Vina Morales, Sam Milby, Maja Salvador, Kim Chiu, Julia Montes, Empress, Matteo Guidicelli, Jed Madela, Angeline Quinto, Iya Villania, Sam Concepcion, Marcelito Pomoy, at Toni Gonzaga.

Bukod sa showdown ng ASAP Kapamilya, non-stop surprises naman ang tiyak na ikatutuwa ng TV viewers ngayong Linggo dahil sa pagbisita ng lead stars ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries na sina Vice Ganda, AiAi delas Alas, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla ng “Sisterakas;” Angel Locsin, Zanjoe Marudo, at Angelica Panganiban ng “One More Try;” Julia Montes at Enchong Dee ng “The Strangers;” at sina Vhong Navarro, Empress, at Ella Cruz ng “Shake Rattle and Roll 14: The Invasion.”

Tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon sa "ASAP 2012" concert stage sa grand launch ng 'Decades III: Best of OPM' album ng ultimate Kapamilya heartthrob na si Piolo kasama ang Pop Superstar si Angeline; at ang back-to-back birthday bash ng Pop Rock Princess na si Yeng kasama sina Zia at Acel Van Omen; at ng "Precious Hearts Romances Presents: Paraiso" lead star na si Jessy kasama sina Enchong, Gerald, Matteo, at Matt Evans.

Samantala, world-class talent naman ang muling ipamamalas ng nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano sa kanyang espesyal na tribute para sa mga biktima ng bagyong Pablo; na susundan ng show-stoppping performance ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga sa 'T Zone;' at ng must-see production number ng "Rosalinda' leading man at Venezuelan actor-singer na si Fernando Carillo.

Makikanta, makisayaw, makisaya at maki-showdown sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na “ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, sundan ang@ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.

http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/12393/-2012-ASAP-That-s-Christmas-battle-on-this-Sunday-.aspx

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...