Sam Milby

Sam Milby

Monday 12 November 2012

"SAM: Virgin pa si POKWANG, ako talaga ang first niya!
NOVEMBER 11, 2012



"..Si Pokwang naman ay si Sam Milby ang ka-partner sa pelikula at meron nga silang kissing scene at love scene rito, sabi ng komedyana “juicy” daw ang ginawa nilang intimate scenes.

Sa edad kasing 40 ay virgin pa si Pokwang sa kuwento, samantalang si Sam ay isang Fil-Am model na hindi nagtagumpay ang career dito sa Pilipinas kaya pumatol siya sa mas may edad sa kanya.“Virgin talaga si Marietta (tunay na pangalan ni Pokwang) sa kissing scene, so ako ang first niya,” nakangiting sabi ni Sam.

Kaagad namang ipinaalala ni Zanjoe Marudo (sa isang episode ng horror movie na Cinco) na siya ang unang kiss ni Pokie sa screen na kaagad naman itong sinalo ng komedyana, “Zanjoe ‘wag ka muna mag-react.

‘Yung kissing scene natin ginawa mo lang lollipop ang mukha ko, saka horror ‘yun!”

Say naman ni Sam nang tanungin tungkol sa kanyang leading lady, “Maganda naman si Marietta, love ko ‘to.

Six years na kaming nagtu-tour. Love ko talaga si Marietta.”

Read the whole story here: 

http://banderablogs.wordpress.com/2012/11/11/sam-virgin-pa-si-pokwang-ako-talaga-ang-first-niya/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...