Sam Milby

Sam Milby

Sunday 25 November 2012

"Sam Milby sharpens his Tagalog by reading Filipino romance books"




Nagpapasalamat si Sam Milby sa suporta at pasensiya na ibinibigay sa kanya ng Against All Odds co-star niyang si Judy Ann Santos. Ani Sam tungkol kay Juday:  “May mga eksena talaga na nabubulol ako kaya paulit-ulit ang mga eksena. She’s very supportive though, sobrang thankful ako sa kanya.”
Pansamantalang nakabitin naman ang drama series nila ngayon dahil abala si Juday sa kanyang show na MasterChef Pinoy Edition.
Photo: Noel B. Orsal



Early this year, iniwan pansamantala ni Sam Milby ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para subukan ang kanyang suwerte na maka-penetrate sa Hollywood.
Pagkatapos ng ilang buwan din niyang pag-a-audition, bumalik siya ng bansa at ngayon ay parte ng isang sisimulan pa lang na serye sa Kapamilya network, ang Against All Odds.
Kasama niya rito sina Jericho Rosales, KC Concepcion, at Judy Ann Santos.
Kaya lang, nagpasabi na si Juday na sa susunod na taon pa mapapanood ang nasabing serye dahil na rin ang focus niya ngayon ay ang show niyang MasterChef Pinoy Edition at hindi niya kayang magsabay ng dalawang shows.
Agad namang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam kung hindi ba siya nanghihinayang na hindi na mabibitin ang dapat sana’y comeback drama series niya.
“Hindi naman. I mean it’s not na-shelve. Iba yung na-shelve sa just put on hold from the meantime,” sagot ni Sam.
“From my understanding, siyempre, bising-busy talaga si Juday.
“Mahirap talaga ang schedule niya.
“I’m still so excited,” nasabi pa ng Fil-American hunk.
-read the full story here:
http://www.pep.ph/news/36557/sam-milby-sharpens-his-tagalog-by-reading-filipino-romance-books



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...