Sam Milby

Sam Milby

Sunday 5 August 2012

"Zsa Zsa Padilla returns to ASAP 2012"

by ABS-CBN Corp. Comm


Isang espesyal na pagsalubong ang inihanda ng buong ASAP Kapamilya sa pinananabikang pagbabalik ng Divine Diva na si ZsaZsa sa "ASAP 2012" ngayong Linggo (Agosto 5).

Bukod sa welcome party para kay ZsaZsa, may mga bonggang sorpresa ring handog ang "ASAP 2012" para sa birthday celebration ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano kasama ang mga pinakaespesyal na tao sa buhay niya.

Bibigyang-pugay rin naman sa centerstage ang natatanging husay ng mga Pilipino sa larangan ng musika sa engrandeng paglunsad ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra na pinangungunahan ni Maestro Gerard Salonga; sa espesyal na OPM tribute ng buong cast ng pinakainaabangang barkada movie event ng taon na "The Reunion;" at sa makatindig-balahibong revivals nina
Sam Milby, Aiza Seguerra, Yeng Constantino, Zia Quizon, JM de Guzman, at Paolo Valenciano sa pinakabagong ASAP segment na 'ASAP Covers.'

Tunghayan ang production numbers na inihanda ng Kapamilya leading ladies na sina Kim Chiu, Iza Calzado, Erich Gonzales, Maja Salvador, Shaina Magdayao, at Julia Montes. Abangan din ang pagkilala sa pinakabagong miyembro ng 'ASAP POPables' na binubuo nina Gerald Anderson, Enchong Dee, Xian Lim, at Rayver Cruz.

World-class talent naman ang ipamamalas ng bokalista ng Norwegian band na Fra Lippo Lippi na si Per Sorensen na may natatanging vocal act; na susundan ng show-stopping concert experience na ihahatid nina Martin Nievera, Toni Gozaga, Billy Crawford, Christian Bautista, Angeline Quinto, Nikki Gil, Jovit Baldivino, at ng ASAP Sessionistas.

Samantala, kaabang-abang rin ang hatawan sa dance floor ng ASAP Supahdancers na sina John Prats, Gab Valenciano, Sam Concepcion, kasama ang Kapamilya child wonders na sina Bugoy Cariño, Mutya Orquia, Louise Abuel, Izzy Canillo, at Bea Basa.

Makisaya sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na “ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa 
http://asap.abs-cbn.com, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.



http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/11366/Zsa-Zsa-Padilla-returns-to-ASAP-2012-.aspx

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...