Sam Milby

Sam Milby

Thursday 16 August 2012

"Sam, na-pressure kay Juday! "


SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) 
Updated August 16, 2012 12:00 AM Comments (0) 



Malapit nang mapanood muli si Sam Milby sa isang teleserye. Kasama ang aktor sa Against All Odds at mukhang naninibago raw ngayon si Sam sa kanyang pagbabalik sa Primetime Bida. “Parang naninibago ako sa taping kasi two years na since ‘yung last serye na ginawa ko so parang naninibago ako. Pero it makes a lot easier talaga,” pagtatapat ni Sam.

Masayang-masaya rin ang binata dahil sa unang pagkakataon ay nakasama niya sa isang proyekto si Judy Ann Santos. “Sobrang galing talaga at ito din ‘yung pagbabalik niya sa Primetime Bida. Sobrang bait, sobrang bait talaga,” paglalarawan ng aktor.

Kakaiba raw ang papel ni Sam sa nasabing serye kaya kailangan talaga itong abangan ng mga manonood. “Ang gusto ko rito iba ‘yung role ko siyempre maraming roles na ‘yung nagawa ko dati pero ito talaga sasabihin ko talaga ibang Sam ang makikita ng mga Kapamilya natin. Iba ‘yung Sam na makikita n’yo mula noong dati. ‘Yung mga roles na ginawa ko rati always ‘yung mga romantic, ‘yung mabait mga ganun parang pang-romance lang talaga ‘yung role ko, dito hindi siya ganun,” pahayag ni Sam...


Read more : http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=838496&publicationSubCategoryId=96

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...