Sam Milby

Sam Milby

Saturday 2 June 2012

Sam Milby says he isn’t pursuing someone he met in the US


6/02/2012 1:41 AM

by: Bernie Franco


060212-sam-main.jpg


Noong May 23 ay ipinagdiwang ni Sam Milby ang kanyang ika-28 na birthday sa pamamagitan ng isang simpleng dinner kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya. “Biglaan. I was planning a bigger dinnerpero hindi na-push through, so simple dinner lang,” pahayag ng aktor. Simple din lang ang kanyang birthday wish. “[To] just have a good year. I really feel that it’s really a great year for me.”

Samantala, naitanong din kay Sam tungkol sa babaeng nakilala niya habang nago-audition sa US, si Miss Teen USA 2006 Candace Kuykendell. Pero paglilinaw ni Sam magkaibigan lang sila ng beauty queen dahil ito ay mayroong nobyo. Noong kaarawan daw niya ay binati siya ng American friend niya via a text message. Kinumpirma rin ni Sam na patuloy ang kanilang communication ngayon kahit malayo sila sa isa’t isa.

Gayunpaman, nilinaw ni Sam na hindi dapat lagyan ng malisya ang kanilang pagkakaibigan kahit aminado siyang humahanga siya kay Candace. “Sinabi ko nafriends lang kami. I’ve only known her for a month. May boyfriend siya, so friends lang talaga kami.” Aniya hindi rin naman porke’t committed si Candace ay hindi na sila pwedeng magkaibigan.

Hindi naman din siya ang tipong sisira ng relasyon. Aniya, kung alam niyang may karelasyon ang isang babae ay hindi na siya manliligaw pa. “Kung ako ‘yung boyfriend magagalit talaga ako na ‘pag may lalaking inaagaw ang girlfriend ko, parang mali naman ‘yon. For me, it’s like friends lang kami.” Kung siya raw ang nasa sitwasyon ng boyfriend ni Candace ay ayaw rin niyang mangyari sa kanya iyon.





read more


http://www.push.com.ph/features/7956/sam-milby-says-he-isnt-pursuing-someone-he-met-in-the-us/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...