Sam Milby

Sam Milby

Wednesday 9 July 2014

Sam Milby on finding a new girlfriend: "Inip na ako."


Sam Milby explains that he has learned from his past mistakes of being too vocal if he admires a woman, and so has now decided to be more private when it comes to his romantic life. PHOTO: BERNIE FRANCO

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam Milby kung nalulungkot ba siyang wala siyang girlfriend ngayon, diretsa niyang sagot: “Yes, lalo na ngayon, 30 na ako. “Para sa akin, yung ideal age para magkapamilya at mag-asawa, mid-30s, 35. Yun yung saktong age. “But, 'di ko alam kung bakit 30 lang ako, mas excited na ako lalo na magkaroon ng anak. “If I find the right girl right now, I’ll be ready,” pag-amin pa niya. Ilang female celebrities na rin ang na-link kay Sam, kabilang na sina Shaina Magdayao, Jessy Mendiola, at ang dating girlfriend niyang si Anne Curtis, na ngayon ay katrabaho niya sa teleseryeng Dyesebel. Gayunpaman, naniniwala si Sam na, "Even though, personally, parang ready na ako, excited na ako, it’s still in God’s time." Dagdag pa niya, “I just pray about it.” Hindi rin daw niya maiwasang isipin na baka masyado siyang subsob sa trabaho para magkaroon ng panahon para sa pag-ibig. Aniya, “Dahil ako, 'pag nagka-girlfriend ako, nakatutok talaga.” Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa ribbon-cutting ng Diana Stalder beauty clinic sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City, noong July 6, Linggo....

Read more at: http://www.pep.ph/news/44075/sam-mil...nd-inip-na-ako
Follow Us: @PEPalerts on Twitter | PEPalerts on Facebook

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...