Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 16 July 2013

" Sam Milby, kinaiinisan bilang si Eros "

“ANG bad po ni Sam (Milby) kay Juday (Judy Ann Santos), first time ni Juday na gumanap na binubugbog. Bakit siya pumayag? Babaguhin pa po ba ang istorya ng Huwag Ka Lang Mawawala? Kasi siyempre para sa amin na sumusuporta kay Juday, ayaw naming binubugbog siya, hindi bagay.”

Sam MilbyIto ang laman ng email na ipinadala sa amin ng isang avid fan ni Judy Ann (ayaw niyang ipabanggit ang kanyang email address).

Sinagot namin ang loyalistang fan ni Judy Ann na ibang klaseng roles na kasi ang gustong gampanan niya, para maiba naman daw sa mga nagawa na niya sa Esperanza, Mara Clara at iba pa.

“Sana lang hinay-hinay ang pananakit ni Sam kay Juday para hindi kami magalit kay Sam, kasi nakakainis siya. Sayang, ang guwapo pa naman niya, sira-ulo pala. Sana kay KC (Concepcion) na lang siya,” sagot naman sa amin.

Napansin namin noon pa na halos lahat ng leading man ni Juday ay gusto ng fans niya, at noong dalaga pa ang aktres ay talagang pinipilit pang maging dyowa niya. ‘Pag nagkataon, si Sam Milby lang ang hindi nila magugustuhan dahil sa pambubugbog nito sa idolo nila.

Pero ito rin naman ang gusto ni Sam. Sinabi niya sa presscon ng Huwag Ka Lang Mawawala na gusto niyang maramdaman siya ng televiewers at kasuklaman siya dahil dito raw malalaman kung epektibo siyang kontrabida.

Mukhang nagtatagumpay naman ang aktor dahil heto nga at may mga nare-react na sa karakter niya bilang si Eros topak...

Read more:
http://www.balita.net.ph/2013/07/16/sam-milby-kinaiinisan-bilang-si-eros/#.UeWMaUmprFJ

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...