Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 24 April 2012

Sam at Lloydie, agawan sa role na tinanggal kay Derek


Posted by Online Balita on Apr 24th, 2012 

Ni Reggee Bonoan
IBALIK kaya kay Sam Milby ang role ni Derek Ramsay bilang leading man ni Bea Alonzo na pinamamahalaan ni Direk Olive Lamasan sa Star Cinema?

Unang ini-offer kay Sam ang naturang pelikula at excited pa nga ang aktor sa muli nilang pagtatambal ni Bea na una niyang nakatrabaho sa And I Love You So na idinirek ni Laurenti Dyogi tatlong taon na ang nakararaan.

Pero nag-backout si Sam dahil Pebrero ang umpisa ng shooting, na buwan din ng pag-alis niya patungong New York City para sa kanyang auditions doon.

Si Derek, na kasama rin noon sa And I Love You So (bilang pumanaw na asawa ni Bea) ang kinuhang kapalit ni Sam. Lumipat sa TV5 si Derek kaya tinanggal na siya sa pelikula, na ikinalungkot ng aktor dahil nangyari na nga ang kinatatakutan niya. Nakapag-shooting na si Derek ng limang araw sa naturang project.


Bagamat naiulat nang papalitan ni John Lloyd Cruz si Derek, ayon sa Star Cinema executive na si Roxy Liquigan nang makausap namin nitong nakaraang Linggo ay wala pa silang nakukuhang kapalit.
“As of now, Reggs, wala pa, mag-uusap pa lang kami tomorrow (kahapon). We’ll let you know by Wednesday dahil ia-announce namin,” sabi ni Roxy.

Lumutang ang pangalan ni John Lloyd dahil nagustuhan nito ang project nang mabasa ang script at inilambing niya ito kay Ms Malou Santos.

Pero may problema dahil may gagawing serye sina Lloydie at Bea sa unit ni Direk Laurenti Dyogi na kukunan sa London, baka raw ma-preempt kung sakaling gumawa ulit sila ng pelikula.

Bukod dito, kasalukuyan ding nagso-shoot ang aktor ng third movie nila ni Sarah Geronimo sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Samantala, padating na si Sam ngayong Mayo 15 at mananatili siya sa Pilipinas hanggang Setyembre at may kontrata pa siyang isang pelikula sa Star Cinema.

In fairness, kumita ang And I Love You So movie nina Sam at Bea kaya baka ikonsidera na sila na lang sila ulit ang msagtambal, ‘di ba, Star Cinema?

http://www.balita.net.ph/2012/04/sam...medium=twitter

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...