Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 20 December 2011

Celebrities extend help to ‘Sendong’ victims | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features

Celebrities extend help to ‘Sendong’ victims | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features

Hindi nakalimutan nina Eugene Domingo, Sen. Bong Revilla at iba pang bituin ang kanilang pag-alala sa mga taga-Northern Mindanao sa gitna ng kasiyahan sa premiere ng kani-kanilang film fest entries.


“Huwag na tayong magdamot. Lumabas tayo, i-donate natin. Magtulungan tayo,” pahayag ni Eugene.


Sabi naman ni Bong, “Huwag tayong mawalan ng pag-asa.”


Kahit busy bilang horror princess, tutulong si Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Telethon kasama ang iba pang Star Magic talents.


Nakita mismo ni Vice Ganda ang kalunus-lunos na sitwasyon ng mga survivors ng trahedya.


Kuwento niya, “Nakakabagabag ‘yung itsura ng mga tao. Putikan, tapos ‘yung mga bata, ‘yung mga buntis, mga naka-paa. Nakakadurog na ng puso. Kumbaga, wala akong karapatang magreklamo.”


Katuwang ang ABS-CBN Sagip Kapamilya, nakatakdang pumunta bukas sa Cagayan de Oro sina Maricar Reyes, Sam Milby at Jake Cuenca.


Sa Huwebes nakatoka sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.


Sina Piolo Pascual, Maja Salvador at Bea Alonzo ay makikiisa rin sa Biyernes.


Nauna nang tumulong sina Kris Aquino, Angel Locsin , Anne Curtis at Dr. Vicki Belo.


Panawagan ni Vice, “Sa mga kapwa ko artista, aminin naman natin mas nakakaluwag naman ang buhay natin kesa sa mga taong naroon. Shopping tayo nang shopping, kahit siguro P500 ibigay natin sa kanila. Pagsama-samahin natin, ang laki-laki na nu'n. Tumawag kayo sa Sagip Kapamilya. Ang ABS-CBN, maraming lugar kung saan puwede ninyong dalhin ang mga tulong ninyo, at lahat ‘yan nakakasiguro kayong makararating sa mga talagang dapat puntahan.”


Sa Biyernes din pupunta si apl.de.ap ng Black Eyed Peas sa Cagayan de Oro para tumulong sa reconstruction ng mga nasalantang paaralan doon. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino


12/21/2011 12:18 AM
http://www.abs-cbnnews.com/video/entertainment/12/20/11/celebrities-extend-help-%E2%80%98sendong%E2%80%99-victims

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...