Sam Milby

Sam Milby

Friday 28 January 2011

Is Sam Milby dating Andi Manzano?

Is Sam Milby dating Andi Manzano?
Fri Jan 28 2011 03:33 PM
by: James Cantos



Last year ay napabalitang niligawan ni Sam Milby ang international acoustic sensation na si Marie Digby, hanggang sa kinumpirma ni Sam na napag-desisyunan na raw nila ni Marie na mas mabuting maging friends na lang daw silang dalawa. Mula noon ay pansamantalang nanahimik ang love life ng binata at nag-focus na lang si Sam sa kanyang mga projects.

Recently ay na-link si Sam sa DJ (disc jockey) na si Andi Manzano. May mga nakakita raw kasi sa dalawa na sweet na nagde-date sa isang bar. “Andi and I are not dating. We only have common friends, same group of friends,” paglilinaw ni Sam.

Si Andi na kaya ang bagong babaeng ipapalit ni Sam kay Marie sa kanyang puso? “Hindi naman kami naging kami ni Marie. Possibly it could happen but we’re friends. Sometimes when we hang out it’s always with a common friend,” dagdag pa ng aktor. Madalas daw nagkakasama sina Andi at Sam dahil sa kanilang trabaho.

Nag-react na rin ang ex-girlfriend ni Sam na si Anne Curtis sa isyung panliligaw diumano ng aktor kay Andi. “Walang issue, if he happens to be courting someone I’ll be more than happy,” maikling pahayag ni Anne.

http://www.push.com.ph/news-feature/...-Manzano-.aspx
Hula is online now  Edit/Delete Message

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...