Sam Milby, wala nang pagkailang kay Anne Curtis
SA NAGING interview naman namin kay Sam Milby, agad na klinaro sa amin
ng aktor nan hindi ratings ang dahilan kung bakit mawawala sa ere ang
Huwag Ka Lang Mawawala, dahil mataas naman ang ratings nito.
Ipinaliwanag sa amin ni Sam na thirteen weeks o isang season lang talaga
ang orihinal na plano na tatakbuhin ng istorya. Aminadong inaasahan pa
nga niya na mag-e-extend pa ito dahil maganda naman ang ratings at
positibo ang feedbacks ng publiko, pero sa nakikita niyang ganda ng
tinatakbo ng istorya ay alam niyang matatapos ito na maganda ang iiwan
nila sa publiko.
Labis ang pasasalamat kay Juday dahil pinaglaban nito ang proyekto at
silang mga nakasama nito sa nasabing serye, pinapasalamatan din ni Sam
si Sir Deo Edrinal at sa Dreamscape dahil kakaibang role ang ibinigay sa
kanya rito bilang si Eros.
Dalawang serye ang nagawa ngayong taong ito, isang pelikula naman na
pagtatambalan nila nina Cristine Reyes at Anne Curtis ang sisimulang
gawin ng aktor. Agad naming tinanong kundi ba siya nakararamdam ng
pagkailang ngayong magkakatrabaho muli sila ng ex-girlfriend.
Inamin naman ni Sam na nu’ng gawin nila ni Anne ang pelikulang Babe, I
Love You apat na taon ang nakararaan at kabi-break lang nila ng ex ay
totoong nahirapan sila sa set. Pero ngayong naka-move on na sila pareho
ni Anne ay alam niyang magiging masaya sila sa set. Hindi nga lang
magiging close gaya ng dati bilang respeto kay Erwan Heussaff na
boyfriend sa ngayon ni Anne. Kilala naman namin si Sam na alam kung saan
dapat ilugar ang sarili at wala sa bokubularyo nito ang manira ng
relasyon ng ibang tao.
Read more
http://www.pinoyparazzi.com/sam-milb...y-anne-curtis/
No comments:
Post a Comment